Paalala sa Paniningil at Pagbayad ng Placement Fee sa Israel
Sa gitna ng laganap na paniningil ng mataas at ilegal na placement fee sa mga Filipino caregivers sa Israel, nais naming ipaalala sa mga bagong dating na mga caregiver ang "NO PLACEMENT FEE" na patakaran ng Pilipinas.  Dito sa bansang Israel, ang pinahihintulutang babayaran lamang ng Employer ay ang NIS 70 kada buwan para sa ipinapaabot na assistance sa kanila ng recruitment agencies at NIS 2,000 para sa pagkuha ng serbisyo ng isang caregiver.

Anumang halaga bukod sa legal na bayarin na isinasaad ng POEA at batas ng Israel sa mga caregiver ay mahigpit na ipinagbabawal ng bansang Pilipinas at ng Israel.

Siguraduhin na humingi ng Official Receipt sa lahat na binayad bilang "placement fee," "brokers' fee" o "service fee."

Maaaring isangguni sa Philippine Embassy at POLO ang anumang katanungan ukol sa bagay na ito at isumbong sa Embahada ( This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it ) o sa POLO ( This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it ) ang anumang paglabag dito.